Nasabat ng mga awtoridad ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa mahigit P88.1-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo mula sa China.
Sa inilabas na kalatas ng BOC, dumating sa Port of Cebu ang magkahiwalay na shipment mula China noong ika-8 at ika-13 ng Agosto.
TINGNAN: Nasabat ng mga awtoridad ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa mahigit P88.1-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo mula sa China. (: BOC) pic.twitter.com/46nvZHDuE1
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 4, 2020
Batay sa idineklarang laman ng dalawang shipments, ito’y naglalaman ng mga payong at iba’t-ibang uri ng mga home furniture.
Pero, iba ang tumambad na laman nito nang buksan ang mga shipments ng mga kawani ng BOC na napag-alamang puno ito ng mga smuggled na sigarilyo mula China.
Kasunod nito, pinatawan na ng district collector ang mga shipments warrant para sirain ang mga nasat na sigarilyo at paglabag sa kasong RA 10863 o customs modernization and tariff act.