Aabot kabuuang P8.5B halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong taon.
Ibinahagi ng PNP ang kanilang matagumpay na pakikipaglaban sa iligal na droga kung saan, naaresto ang mahigit 66 libong drug personalities na may tinatayang halaga na nasa higit P4.6B ang nakumpiskang droga.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, maganda ang ipinakita ng PNP sa taong 2021 at nangakong ipagpapatuloy ng kanilang ahensya ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, lalo na sa darating na 2022 National Election. —sa panulat ni Kim Gomez