Matatanggap na ng mga survivor ang higit sa P9 na milyong pisong benepisyo mula sa Kentex Manufacturing.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Spokesman Nikon Fameronag, sa loob ng 10 araw ay kinakailangan na bayaran ng Kentex ang P1.4 million pesos alinsunod sa compliance order ng DOLE-NCR para sa 52 mga manggagawa ng Kentex.
Bago ito ay ipinag-utos na ng DOLE Regional Office 3 ang pagbabayad ng P8.3 million pesos para sa paglabag sa labor standard ng CJC Manpower na sasaluhin din ng Kentex.
“Inaasahan natin na sa loob ng 10 araw ay mababayaran yung mga manggagawa kasi mayroong parusang kaukulan kapag hindi ka nagkabayad sa loob ng 10 araw at yung amount na yun na money claim ay madodoble.” Pahayag ni Fameronag.
Pananagutin
Samantala, siniguro ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mananagot ang Kentex Manufacturing sa mga pag-abuso nito sa mga manggagawa.
Una nang inirekomenda ng DOLE sa Department of Justice (DOJ) na makasuhan ng kriminal ang Kentex dahil sa pagkamatay ng higit sa 70 mga empleyado nito.
Ayon kay DOLE Spokesman Nikon Fameronag, kahit na pumasok na sa settlement agreement ang mga biktima at pamilya nito ay wala itong magiging epekto sa kasong isasampa ng estado.
Ayuda
Inihahanda na Department of Labor and Employment ang ayudang pangkabuhayan para sa mga biktima ng nangyaring sunog sa Kentex Manufacturing.
Ayon kay DOLE Spokesman Director Nikon Fameronag, namimili na ang ahensya ng mga kagamitan para biktimang nagnanais na mag negosyo tulad ng pagkakarinderya, junkshop at barbershop.
“So itu-turn over yan most likely ang first batch mga next week kasi yung kaukulang halaga ng unang ay mga P1.3 million yung halagang capital.” Ani Fameronag.
Bukod dito, siniguro rin ng ahensya ang tulong sa mga biktimang nagnanais na muling magkatrabaho.
“Meron ding gustong magtrabaho, yung mga gustong magtrabaho ay hinahanapan na din ng referral, may referral system kasi ang DOLE, so yun an gating gagawin.” Dagdag ni Fameronag.
By Rianne Briones | Ratsada Balita