Pinauwi na at pawang magagaling na ang mahigit 100 pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naka-quarantine sa Ninoy Aquino Stadium.
Ayon kay Angel Dayag supervisor ng Philippine Sports Commission (PSC) Security nagpapasalamat sila sa panginoon na walang nasawing pasyente at napakagaling ng AFP Medical Doctors na tumutok sa 123 pasyente.
Matapos mapauwi ang mga recovered patients ipinabatid ng PSC ang kaagad na pag disinfect at pagre-repair sa Ninoy Aquino Stadium hanggang sa Biyernes.
Samantala mayruon pang 67 pasyente na nasa Rizal Memorial Coliseum at mayruon pang 34 na pasyente naman ang nasa multi-purpose arena na nasa loob ng PhilSports Complex sa Pasig City.