Hindi bababa sa 140 migrants ang nasawi sa paglubog ng sinasakyan nilang barko sa bahagi ng Senegal sa West Africa.
Ayon sa United Nations International Organization for Migration, tinatayang nasa 200 katao ang sakay ng naturang barko ng lumubog ito.
Nasa 59 anila ang nailigtas ng Senegalese at Spanish Navy habang nasa dalawampung labi naman ang narekober.
Batay sa ulat, patungo sanang Canary Island sa Spain ang naturang barko nang masunog ito, ilang oras lamang mula nang umalis sa bayan ng Mbour saka lumubog Malapir sa isla ng Saint Louis.