Nagsagawa ng sariling kilos protesta ang mahigit sa 100 Filipino sa New York City kasabay ng ika-limang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad ang mga miyembro ng grupong Migrante, Gabriela, Anakbayan at Malaya Movement.
Nakasuot ang mga ito ng puting t-shirt at may bitbit na itsurang kabaong na bagay na sumisimbolo sa anila’y pagkamatay ng demokrasiya at malayang pamamahayag sa Plipinas.
Kinunkundena rin ng mga ito ang pagkakapasa sa Anti-Terrorism Act of 2020 na anila’y gagamitin ng pamahalaan para patahimikin ang mag kritiko.