Makakapagtrabaho nang muli sa Hong Kong ang mahigit sa 12,000 Overseas Filipino Worker’s (OFW)’s.
Ini-anunsyo ni Consul General Raly Tejada ang deployment ng mga OFW’s sa Hong Kong sa mga susunod na araw.
Mahigit sa 7,000 anya rito ang bagong manggagawa samantalang mahigit sa 4,000 ang mga natanggal sa trabaho subalit nakahanap ng bagong trabaho.
Ipina alala ni Tejada na responsibilidad ng employer at ng mga agency na nagpadala ng OFW kung saan sila iqua-quarantine ng 14 na araw bilang pagsunod sa patakaran ng Hong Kong government.
Samantala, dalawandaang stranded na Pilipino sa hongkong ang napauwi na ng konsulado samantalang may nag aantay pa ang nasa 250 para makauwi ng bansa.