Maagang inilikas ang 1,420 families o 4,659 individuals sa mas ligtas na lugar sa Aurora dahil sa Bagyong Rolly.
Ayon kay Amado Elson Egargue, head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ginawa ang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Kasalukuyan aniyang tumutuloy ang mga apektadong mamamayan sa walong evacuation centers sa lalawigan.
Samantala, sinabi ni Egargue na passable at accessible pa rin ang mga kalsada patungong Aurora maliban sa Diteki Detour Road sa bayan ng San Luis.