Matatapos na ang pagpapauwi sa kani-kanilang mga lalawigan ng mahigit 20,000 Overseas Filipino Worker (OFW) na ilang buwan ding stranded sa Metro Manila dahil sa lockdown.
Ipinabatid ni Labor Assistant Secretary Alice Visperas na nasa mahigit 19,000 na ang napapauwi nilang OFW’s sa kani- kanilang mga probinsya.
Ilang araw lamang ito matapos simulan ng DOLE, OWWA at Philippine Coastguard ang pagpapauwi sa 24,000 OFW’s na stranded sa metro manila kasunod na rin ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa agarang pagpapauwi sa mga stranded OFW’s.
Sa gitna na rin ito ng mga reklamo ng mga repatriated OFW’s na ilang buwan na silang stranded sa iba’t ibang quarantine facilities sa Metro Manila kahit tapos na sa kanilang 14-day mandatory quarantine at negatibo naman sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).