Umabot na sa mahigit 29,000 na health workers ang nabakunahan kontra COVID-19.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos dumating ang bakunang AstraZeneca sa bansa.
Hindi naman tinukoy ni Roque kung uilan ang nabakunahan ng bakunang Sinovac at bakunang AstraZeneca.
Ayon kay roque, naging mabagal lang ang pagbabakuna sa bansa dahil binigyan nila ng pagkakataon ang mga health workers na mamili ng bakunang ituturok sa kanila.
Samantala, patuloy pa ring hinihikayat ni roque ang mga health workers na magpabakuna kontra COVID-19 dahil sila ang nakikipaglaban sa giyera kontra COVID-19. —sa panulat ni Rashid Locsin