Nagpahayag ng alinlangan ang mga taga-Boracay Island sa Aklan hinggil sa mga ipinangako ng mga opisyal ng pamahalaan para maresolba ang mga kinahaharap na problema ng isla.
Ito’y kasunod na rin ng overpopulation at congestion sa lugar na siyang nagiging sanhi ng pagkasira ng isla na nangungunang tourist destination hindi lamang sa Asya kung hindi sa buong mundo.
Ayon kay Nenette Aguirre-Graf, Pangulo ng Boracay Foundation Incorporated, maniniwala lamang aniya sila sa mga ipinanako ng pamahalaan kapag naisalya na ito sa kanilang isla.
Magugunitang nangako si Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo na maglalatag sila ng mga proyekto katuwang ang Department of Environment and Natural Resources o DENR para maresolba ang problema sa sewerage at drainage sa isla na nagkakahalaga ng humigit kumulang 1.16 bilyong piso.
—-