Nasa 1.3M indibidwal ang nabakunahan kontra COVID-19 sa unang dalawang araw ng ikatlong bugso ng ‘Bayanihan Bakunahan’ program.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas mababa ang nasabing bilang sa limang-milyong target nito.
Posible aniyang dahil sa mataas na vaccination rate sa NCR kaya’t mababa ang bilang ng nasabing bakunahan.
Ipinaalala naman ni Vergeire sa publiko na pinalawig pa ang Bayanihan, Bakunahan hanggang sa February 18.—sa panulat ni Airiam Sancho