Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P7 milyong halaga ng ukay-ukay na mga damit na hindi idineklara ng tama.
Ayon sa mga operatiba ng BOC, kanilang naharang ang dalawang container ng misdeclared na kargamento mula China noong Disyembre 29.
Anila, naka-consigned ito sa MGGF International Trading Corporation at dumating ng bansa noong Pasko kung saan idineklara ito bilang mga tisyu.
Gayunman, nang isailalim na ito sa inspeksyon, doon natuklasang naglalaman ang mga ito ng ukay-ukay na damit na nagkakahalaga ng P7.853 million.
Agad namang kinumpiska ng boc ang mga kargamento dahil sa paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act habang pinoproseso na rin ang pagbawi sa accreditation ng importer nito.