Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang isang parcel na naglalaman ng 533 grams ng high grade marijuana sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Ayon sa BOC ang naturang parcel ay una nang idineklarang limang piraso ng damit mula sa California at naka-consign sa isang Aura Talob ng Davao City.
Sumambulat sa field test na isinagawa ng customs anti-illegal drug task force at pdea ang parcel na naglalaman ng high grade marijuana na nagkakahalaga ng P852,000.
Kaagad namang itinurn over sa PDEA ang nasabing parcel para sa kaukulang imbestigasyon.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga indibidwal na sangkot sa nasabing illegal importation.