Kinontra ng nasa 150 Filipino Lawyers mula sa iba’t-ibang organisasyon ang kandidatura ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa International Law Commission (ILC) na nakatakdang magbotohan sa Biyernes, Nobyembre 12.
Sa Letter of Objection na inilabas sa midya, hinihikayat ng mga abogado ang mga miyembro ng United Nations General Assembly na huwag iboto si Roque.
Ayon sa mga abogadong lumagda sa liham, unfit o hindi karapat-dapat na maupo si Roque sa komisyon.
Dahil sa paulit-ulit na pagbibigay katwiran sa mga unacceptable positions ng Pangulo pagdating sa karapatang pantao, hustisya, pagtugon sa pandemya at good governance.
Sinabi pa ng mga abogado na nahaharap sila sa iskandalo sa tuwing nag-iimbento ng basic legal principles at concepts si Roque para i-repackage ang mga pahayag ni Pangulong Duterte.—sa panulat ni Joana Luna