Hiniling ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang mahigpit na implementasyon ng Republic Act 7581 o Price Act.
Ito’y matapos ma-monitor na tumataas ang presyo ng meat products sa merkado.
Ayon kay SINAG President Rosendo So, maaaring ang delivery ng karne sa mga retailers ang dahilan kaya tumataas ang presyo nito pagdating sa mga pamilihan.
Nabatid na ang farm gate price ng karne ng baboy sa Luzon ay naglalaro sa P180 – P190 kaya dapat ay P285 – P300 lamang ang presyo ng kasim habang P320 – P330 lamang dapat ang presyo ng liempo.
Samantala, tiniyak naman ni So na sapat ang supply ng agricultural products sa bansa tulad ng baboy, manok at itlog. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma