Tuluy-tuloy ang mahigpit na monitoring ng PNP sa implementasyon ng ECQ sa Metro Manila simula kahapon hanggang Agosto 20.
Ayon ito kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar sa gitna na rin nang pagkakasa ng adjustments sa ECQ implementation.
Sinabi pa sa DWIZ ni Eleazar na tuwing hapon naman ay nagkakaroon ng assessment ang Task Force COVID-19 shield sa naging sitwasyon sa buong mag hapon.
“Everytime na nagkakaroon ng unang implementasyon ng bagong quarantine, ay nagkakaroon ng mga konting adjustments. Ang atin namang Joint Task Force COVID-19 Shield ay nagkakaroon ng assessment every afternoon base dun sa mga input at reports na nakuha natin coming from the different units natin, ay napag-usapan yun para mas mai-apply natin ng mas maayos pa na implementasyon sa mga susunod na araw,” wika ni Eleazar
Tiwala naman si Eleazar na makukumpleto na ng mga non-APOR ang mga dokumentong kailangan para sa checkpoint sa paghahatid ng mga APOR pagsapit ng araw ng Lunes.
“Inaasahan natin na yung binigay na palugit sa hapon at saka pati yung over the weekend, today at saka bukas, makakuha ng mga necessary documents itong mga non-APOR driver na dapat nilang ipakita doon sa mga nagtatrabaho na sa kanilang paglabas sa iba’t ibang lugar,” si PNP Chief Police General Guillermo Eleazar sa panayam ng DWIZ. —ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)