Tuluy-tuloy ang mahigpit na monitoring ng Phivolcs sa aktibidad ng Bulkang Taal.
Tiniyak ito sa DWIZ ni Phivolcs Director Renato Solidum dahil hindi aniya dapat balewalain ang mga usok na inilalabas ng Taal volcano.
Sinabi ni Solidum na hindi pa rin nawawala ang posibilidad nang pagsambulat pa ng Bulkang Taal tulad nang nangyari nuong Hulyo 1.
Dahil dito, inihayag ni Solidum na dapat munang manatili sa evacuation centers ang mga inilikas na pamilya mula sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas at maghanda na rin ang iba pang lugar na pinangangambahang maapektuhan din ng tuluyang pagsambulat ng Bulkang Taal.