Tuluy-tuloy ang mahigpit na monitoring ng DTI o Department of Trade and Industry sa mga presyo ng school supplies.
Tiniyak ito sa DWIZ ni DTI Undersecretary Vic Dimagiba kasunod na rin nang pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 13.
Sinabi ni Dimagiba na maglilibot sila sa Divisoria na dinadagsa ngayon ng mga mamimili ng school supplies at partikular nilang tututukan ang ilang brand ng notebook.
Katuwang aniya nila ang FDA o Food and Drug Administration na nakatutok naman sa toxic content ng krayola at lead content ng mga lapis.
Bahagi ng pahayag ni DTI Undersecretary Vic Dimagiba
DTI caravan
Hinimok ni DTI Undersecretary Vic Dimagiba ang mga magulang na bumili ng school supplies sa kanilang diskuwento caravan store sa tanggapan mismo ng DTI sa Buendia, Makati City.
Sinabi sa DWIZ ni Dimagiba na hanggang June 17 bukas ang nasabing caravan na nag-aalok ng 10 hanggang 50 porsyentong diskuwento sa mga school supplies at maging ang mga uniporme.
Bahagi ng pahayag ni DTI Undersecretary Vic Dimagiba
By Judith Larino | Balitang Todong Lakas