Mahigpit na babantayan ng Department of Trade and Industry o DTI ang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ito’y dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng produktong petrolyo sa merkado.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, malaki ang posibilidad na maapektuhan ang presyo ng mga bilihin sa nangyayaring oil price hike.
Samantala, giit ng DTI na gagawan nila ng paraan upang hindi magbago ang presyo ng mga pang noche buena habang wala pa silang natatanggap na price increase request sa mga manufacturer.