Hinimok ng Department of Health (DOH) ang Philippine National Police (PNP) na tiyaking mahigpit na maipatutupad ang pagbabawal sa pagbenta o paggamit ng mga illegal na paputok.
Ayon kay DOH Spokesman Eric Domingo, partikular na rito ang ipinagbabawal na piccolo na siyang nangungunang klase ng paputok na nakapagdudulot ng pinsala sa mga bata.
Sinabi ni Domingo, nakatitiyak siyang malaki ang magiging pagbaba sa maitatalang bilang ng mga firecraker-related injuries kung matitiyak ng pulisya na walang maibebentang piccolo sa mga kabataan.
Kasabay nito, hinikayat din ni Domingo ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon na lamang ng sariling fireworks display sa kanilang mga lugar.
Iginiit ni Domingo, mas ligtas pagsasagawa ng mga local fireworks display na ma-i-enjoy pa ng mas nakararami.