Iginiit ni House Committee on Health at Quezon 4th District Rep. Helen Tan na dapat mahigipit na ipatupad ang benefit patient notice ng Philhealth.
Ito aniya ay para maiwasan ang anomang anomalya sa pagkuha ng nasabing benepisyo sa ahensya gaya ng nangyari sa Wellmed Dialysis Center.
Ayon kay Tan, makikita sa benefit patient notice ang impormasyon ng hospitalization ng isang miyembro kung magkano ang binayad ng Philhealth at kung ano ang sakit ng pasyente at kung saang ospital ito na-confine.
Ipapadala umano ito sa mga miyembro upang magkaroon din ng kopya ang pamilya o ang mismong pasyente kung magkano ang nabawas sa Philhealth.
Sakali aniyang magkaroon ng reklamo laban sa ahensya ay maaaring gamitin ang benefit patient notice.