Umaasa ang Private Hospital Association of the Philippines (PHAPI) na mahigpit na maipatutupad ng pamahalaan ang minimum public health standards sakaling maibaba na sa Alert level 1 ang National Capital Region at maging ang ilang lugar.
Ayon kay PHAPI president Dr. Jose Rene Grano, ito lamang ang paraan upang mapigilan ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Mahalaga rin aniya na matutukan ang mahigpit na implementasyon ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at physical o social distancing.