Inilarga na ng Inter-Agency Council on Traffic (IACT) simula ngayong araw ang mas mahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lane policy sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ipatutupad ito sa EDSA, C-5, Macapagal at Commonwealth Avenues upang isaayos ang daloy ng trapiko at mabawasan ang mga aksidente sa lansangan na kadalasang sanhi ng mga motorsiklo.
Noong Sabado at kahapon ay nagsagawa ang IACT katuwang ang Motorcycle Philippines Federation ng dry runs upang ma-familiarize at ma-orient ang lahat ng riders sa naturang polisiya.
Base sa Road Crash Statistical Report, 265 vehicular accidents sa Metro Manila ang naitatala kada araw, 30 sa mga ito ay kinasasangkutan ng mga motorsiklo.
Umabot naman sa 7033 ang bilang ng motorcycle accidents simula Enero hanggang Abril.
By Drew Nacino