Mahalaga pa ring mahigpit na sumunod sa health and safety protocols para ma protektahan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos mapaulat na maaaring malipat sa hangin ang Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2.
Dahil dito, ipinabatid ni Vergeire na inaaral na ng Department of Health (DOH) ang mga ebidensya hinggil sa airborne transmission ng COVID-19.
Sinabi naman ni World Health Organiztion (WHO) representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na pina-aaralan na nila ang nasabing report bagamat nakikita nilang hindi ito malaking risk factor.
Hanggat wala pang malinaw na impact analysis kung gaano kalala ang epekto ng aerosol at airborne transmission, binigyang diin ni Abeyasinghe na mananatili pa ring focus ng WHO na maiiwasan ang hawahan sa pamamagitan nang pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay at pag obserba sa physical distancing.
Bagamat malinaw naman aniya ang naging pahayag ng WHO na mataas ang tsansa ng airborne transmission sa mga lugar na nagsasagawa ng medical procedures.