Naghigpit ng seguridad ang pulisya at militar sa Lamitan City, Basilan Province.
Ayon kay Lamitan City Mayor Rosita Furigay, ito’y kasunod ng pagsabog ng isang improvised explosive device o IED noong Lunes habang isa pang bomba ang nadiskubre sa lungsod.
Ayon kay City Police Chief, Chief Insp. Gean Gallardo, sumabog ang isang bomba sa main entrance ng port terminal sa barangay Kulay Bato.
Nananawagan naman si Furigay sa mga Lamiteños na maging vigilant, kalmado, at i-report agad sa pulisya kapag nakakita ng mga kahina-hinalang tao o baggage.
By Jelbert Perdez