Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ngayon sa Philippine Military Academy (PMA) kaugnay ng Alumni Homecoming activity ngayong araw.
Ayon kay PMA Spokesman Lt. Col Reynaldo Balido Jr., asahan na aniyang itse-check ang lahat ng mga kagamitan kayat ang lahat ng ipinagbabawal sa loob ay maiiwan sa package area.
Sinabi pa ni Balido na mahigpit din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Presidential Security Group (PSG).
Ito ay dahil magsisilbing guest speaker ang Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang Alumni Homecoming.
Maliban kay Pangulong Duterte, inaasahan ding darating sa lungsod ng Baguio sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Senador Antonio Trillanes at iba pang opisyal ng pamahalaan nagtapos sa PMA.
By Ralph Obina |