Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang mas mahigpit na seguridad ngayong holiday season.
Ayon kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa, patuloy ang mahigpit na pagmomonitor ng pulisya sa sitwasyon at seguridad ng mga lugar na isinailalim sa full alert status.
Ani Gamboa, tuluy-tuloy ang pagganap nila ng kanilang tungkuling magbigay ng proteksyon sa publiko ngayong kapaskuhan.
Dagdag ni Gamboa, hindi rin sila titigil para maaresto ang nasa likod ng magkakasunod na pagsabog sa Cotabato City at Maguindanao.
Una nang nagtaas sa full alert status ang PNP simula noong Disyembre 15.