Magiging mahigpit ang seguridad sa ikinakasang One Love, One Nation Thanksgiving Party ni incoming president Rodrigo Duterte na gaganapin sa Crocodile Farm sa Davao sa Hunyo 4.
Pahuhubarin umano ng sapatos at medyas ang mga kalalakihang dadalo sa pagdiriwang habang kakapkapan naman ng mga babaeng pulis ang mga kababaihan.
Papayagan naman ang alak sa lugar ngunit lilimitahan lamang ito.
Nagbabala naman si Duterte sa mga maglalakas-loob na magpuslit ng droga sa naturang event.
Aniya, hindi siya magdadalawang isip ikain ito sa sinumang mahuhuling magpupuslit ng iligal na droga.
Inaasahang libu-libo mga Duterte supporters ang makikisaya at makiki-jamming sa naturang pagdiriwang.
By Rianne Briones