Ipinag utos ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa lahat ng police commander na mahigpit na makipag ugnayan sa local chief executives hinggil sa sistema ng bakunahan sa kanilang lokalidad.
Ito ayon kay Eleazar ay para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao gayundin ang pinangangambahang super spreader events sa mga lugar bakunahan sa Metro Manila.
Kasunod nito, pinakilos ni Eleazar ang lahat ng police regional offices na bumuo ng pulutong o balangay na magsisilbing quick reaction force na nakaantabay para tumugon sa sandaling dumagsa ang mga tao sa mga vaccination sites.
Kailangan aniyang maging handa ng mga quick reaction unit para ipakalat kaagad at makipag ugnayan sa mga LGU sa mga posibleng kanselasyon ng bakunahan sakaling mahirapan nang pigilan ang dagsa ng tao.