Mahigit 5 Milyong Pisong halaga ng Sea Turtles o Pawikan ang narekober ng mga otoridad sa Palawan
Ayon sa Palawan Council for Sustainable Development mahigit 170 Pawikan ang natagpuan sa isang bangka sa munisipalidad ng Bataraza
Sinasabing inabandona ang mga naturang Pawikan nang mabatid ang operasyon ng Palawan Law Enforcement Task Force
Nabatid na ang mga naturang Sea Turtle na itinuturing na Endangered Species ay dinadala sa China at ibinibenta duon ng 30 hanggang 50 Libong Piso kada piraso
Iniimbestigahan na ng mga otoridad kung nakikipag sabwatan ang mga residente sa Chinese Poachers sa iligal na paghuli at pagbebenta ng Pawikan
By: Judith Larino