Patuloy paring iiral ang northeast monsoon o hanging amihan kaya asahan parin ang mga posibilidad na mga mahihinang pag-ulan partikular na sa bahagi ng Cagayan Valley Region.
Asahan naman ang pulo-pulo at mahihinang mga pag-ulan Ilocos Region at Cordillera Administrative Region (CAR) dulot parin ng hanging amihan.
Malaki din ang tiyansa ng mga pag-ulan sa silangang bahagi ng Luzon partikular na Aurora Quezon Province at Bicol Region dahil sa epekto ng shearline.
Inaasahan naman na magiging maliit ang tiyansa ng mga pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon maging sa Metro Manila pero posibleng magkaroon ng mga pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi.
Makakaranas din ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa eastern Visayas partikular na sa bahagi ng Tacloban, Iloilo at Cebu maging sa Mindanao partikular na ang Cagayan De Oro, Zamboanga at Davao Region dulot parin ng shearline.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:16 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:03 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero