Inihayag ng Provicial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMO) ng Bangued, Abra na patuloy pa ring nakararanas ng mahihinang pagyanig ang kanilang lugar matapos ang magnitude 6.4 na lindol.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PDRRMO Officer-In-Charge Arnel Valdez, na nasa 24 na tirahan ang totally damaged habang 2,328 naman ang partially damaged sa 27 munisipalidad ng Abra.
Ayon kay Valdez, naglaan na ang kanilang ahensya ng evacuation centers at mga tents maging ang iba pang pangunahing kailangan ng mga naapektuhan ng pagyanig.
Sinabi ni Valdez, na dumating na rin ang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magbigay ng mga food packs at ready to eat o easy to cook food.
Sa ngayon, nasa 22,422,135 pesos na ang estimated cause of damaged sa sektor ng imprastraktura at agrikultura sa lalawigan.