Mga mahihirap na Pilipino ang pinaka-apektado ng kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte.
Ito ang kinumpirma ng resulta ng pag-aaral ng mga researchers mula sa iba’t ibang malalaking unibersidad sa bansa tulad ng Ateneo de Manila at De La Salle University.
Batay sa resulta ng kanilang pag-aaral, halos kalahating porsyento ng nasa limang libong (5,000) kaso ng mga namatay sa ilalim ng war on drugs ay mga hinihinalang small time drug dealers, user o adik at mga courier.
Habang tig-isang porsyento lamang sa bilang ang narco-politicians, mga pulis na sangkot sa droga at umano’y drug lords.
Pinakamarami naman ang naitalang namatay sa ilalim ng war on drugs sa National Capital Region o NCR partikular sa Manila, Quezon City at Caloocan.
Karamihan naman sa mga napatay ay naitala sa kasagsagan ng operasyon ng pulis kung saan sinasabing nanlaban ang mga biktima.
Samantala, kinuwestiyon naman ng mga researchers kung nasusunod ng pulisya ang due process lalo’t mataas ang naitalang bilang ng mga napapatay malapit o mismong sa loob ng tahanan ng mga drug suspect.
—-