Tiyak na ang mga mahihirap na Pilipino lamang ang aaray kapag naipasa na ang panukalang patawan ng buwis ang mga matatamis na inumin.
Batay sa pag-aaral ng University of Asia and the Pacific, sinasabing dodoble ang presyo ng mga sugar sweetened beverages tulad ng powdered juice drinks gayundin ang mga 3-in-1 coffee kapag naipasa ang nasabing batas.
Ganito rin ang pangamba ni Steven Cua, pangulo ng PAGASA o Philippine Amalgamated Supermarkets Association na nagsabing maituturing na basic commodity na ang mga nabanggit na produkto.
Ang mga manggagawa aniya ang pinakamalaking kumonsumo ng instant coffee habang ang mga mahihirap din ang madalas magbaon ng mga tinimplang instant juices.
By Jaymark Dagala
Mahihirap na Pinoy tatamaan ng tax sa matatamis na inumin was last modified: July 24th, 2017 by DWIZ 882