Pinuna ng isang mambabatas ang suhestyon ng ilang ahensya ng pamahalaan na kailangang magsuot ng face mask sa loob mismo ng kani-kanilang kabahayan.
Ayon kay ako Bicol Party-List Representative Alfredo Garbin Jr., na ang mahinang contact tracing system ng bansa ang dahilan kaya’t inirekomenda ng Health Department at Interior Department ang naturang polisiya.
Giit pa ni Garbin, hindi ito kumbensido sa naging dahilan ng dalawang ahensya ng pamahalaan na karamihan sa hawaan ng virus ay nangyayari sa loob ng bahay.
Sa tingin ni Garbin, ang mahinang contact tracing at pagtuon ng pamahalaan sa contact tracers sa mga miyembro ng pamilya na dinadapuan ng virus ang dahilan nang mahinang datos ng Health Department at Interior Department.
Paliwanag ni Garbin, hindi kasi kasama sa COVID-19 data ng pamahalaan ang transmission o hawaan sa mga pampublikong sasakyan, at iba pang lugar sa labas ng kabahayan.