Nagpaliwanag ang Maynilad sa reklamo ng ilan pang consumer na nakakaranas ng mahinang suplay ng tubig sa kanilang mga gripo.
Ayon kay Maynilad Media Relations Officer Grace Laxa, asahan ang mahinang pressure ng tubig dahil sa maliit na linya pa ng tubo ang pinaggagalingan ngayon ng tubig ng mga apektadong residente.
Gayunman, ipinabatid ng Maynilad na posibleng hindi na matuloy ang naka-iskedyul na water interruption sa Agosto 17-18 sa ilang lugar sa Cavite dahil sa 60 porsyento na anilang tapos ang pipe realignment ng kumpanya.
Matatandaang maraming negosyo, ospital at maging mga paaralan ang naapektuhan ng water interruption na nagsimula pa noong Lunes.
By Ralph Obina