Mahinang cybersecurity ang nananatiling banta sa BPO o Business Process Outsourcing.
Ito ang ibinunyag ng USAID o United States Agency for International Development, batay sa kanilang National Cybersecurity Plan 2022 assessment survey.
Nangangamba ang BEACON o Better Access and Connectivity ng USAID na maglaho ang halos 23 billion US dollar investment ng mga BPO kapag hinayaang humina ang cybersecurity ng bansa.
Pinayuhan ng BEACON ang DICT na mag invest sa mga gamit at gumawa ng mga hakbangin para mapaigting pa ang pagbabantay sa cybersecurity ng mga BPO.
Lumalabas din sa global security company na Kaspersky Lab na nangunguna ang Pilipinas na tina-target ng banking malwares sa Asia Pacific Region kung saan nakapagtala ang bansa ng maraming bilang ng users na inatake ng banking trojans malware.