Pabor para sa mga mangingisda ang nararanasang weak El Niño.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Executive Director Ed Gongona, maliit ang tiyansa ng pagtama ng mga bagyo sa bansa kaya’t marami aniyang pagkakataon ang mga mangingisda na makahuli ng isda.
Maliban dito, ang panahong ito rin aniya ay peak season ng pangingisda.
Binigyang diin ni Gongona na mananatiling stable ang presyo ng isda hangga’t mananatiling mahina ang El Niño.
Batay sa monitoring ng BFAR, kasalukuyang nasa 100 pesos ang kada kilo ng tilapia habang nasa 150 hanggang 160 pesos naman kada kilo ng bangus na mas mura ng trenta hanggang singkuwenta pesos.
Ang galunggong naman ay mabibili na sa halagang 130 hanggang 180 pesos kada kilo mula sa dating 180 pesos.
—-