NANGANGANIB na lumipat sa ibang network ang mga subscribers ng third telco player sa bansa.
Ito’y makaraang madiskubre na bigo umanong makasabay ang download speed ng Dito Telecommunity sa Globe at PLDT na kapwa agresibo sa pagpapalawak ng kanilang agwat o superiority.
Ayon sa OpenSignal, isang independent mobile analytics specialist, nahaharap sa limitadong network footprint ang Dito kung saan lumalabas na sa nakalipas na dalawang buwan ay bumagsak sa 11 %, 26%, at 16% ang download speed nito na mas mabagal kumpara sa Globe at PLDT sa Cebu, Davao at Metro Manila.
At bunga ng sinasabing network quality gap, mas pinipili na ngayon ng mga quality-focused users ang dalawang telcos kaysa sa Dito.