Ikukulong at pagmumultahin ng P5K ang sinumang mapapatunayan na nagpalsipika o nameke ng kaniyang vaccination card sa Lingayen, Pangasinan.
Ito ay matapos na aprubahan ng Provincial Board ang isang ordinansa na nagbabawal sa “falsification” ng vaccination card at certificates.
Ayon kay Fourth District Board Member Jeremy Agerico Rosario, Author ng ordinansiya, isinasaad sa ilalim ng Section 4 ang pagpapataw ng multa at maaaring pagkakakulong ng isa hanggang 6 na buwan ng mga lalabag.
Aniya, base sa ulat ng Philippine National Police at ilang ospital, may mga taong pinipeke ang kanilang vaccination cards para sa pagpasok sa mga malls at iba pang pampublikong lugar na humihingi ng patunay na sila ay fully vaccinated. —sa panulat ni Mara Valle