Tiniyak ng Malakaniyang na hindi magiging kampante ang pamahalaan kahit pa napatay ng U.S military ang lider ng ISIS na si Abu Bakr al-Baghdadi sa Northwest Syria.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bagama’t magandang balita ang pagkakapatay sa lider ng ISIS, magiging maigting pa rin ang paglaban ng pamahalaan sa terorismo sa bansa.
Posibleng magbigay aniya ng kahinaan sa ISIS ang pagkamatay ng kanilang lider ngunit hindi umano pwedeng ipagpalagay na dahil wala na si Al-Baghdadi ay mabubuwag na rin ang teroristang grupo.
Dahil dito, patuloy pa rin umanong magbabantay ang mga otoridad lalo na sa Mindanao Region na ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ay napasok na ng ISIS.