Dinipensahan ng Department of Health ang bagong polisiya hinggil sa pinaikling quarantine period sa mga COVID-19 patients at close contacts.
Ayon kay DOH spokesperson Usec. Rosario Vergeire, masusi itong pinag-aralan ng mga local health expert at ipinapatupad na rin sa ibang mga bansa.
Aniya, hindi gagawa ng mga hakbang ang pamahalaan na magpapalala sa COVID-19 situation ng Pilipinas.