Hindi na bago ang mail-in voting.
Ayon ito kay Commission on Election (COMELEC) Spokesperson James Jimenez dahil matagal na aniyang ginagawa sa bansa ang mail-in voting katulad sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sinabi ni Jimenez na kailangan na lamang palawigin ang batas para maaari na ring maisagawa ang mail-in voting sa local elections.
Nais din aniya nilang mabawasan ang dami ng tao sa mga polling precincts pagsapit ng 2022 elections sakaling may problema pa rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).