Tinatayang nasa tatlumpu’t anim (36) na strugglers ng ISIS – Maute group ang nananatili pa rin sa main battle area sa Marawi City sa kasalukuyan.
Ito ang inihayag ng Armed Forces of the Philippines o AFP makaraang makatisod ng ilan pang strugglers sa lugar kabilang na ang kanang kamay ni ISIS Emir Isnilon Hapilon at ang Indonesian na si Muhammad Ilham Syahputra.
Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, may strugglers pa rin aniya na nasa main battle area ang ayaw pang lumabas sa kanilang pinagkukutaan kaya nananatiling mapanganib pa rin sa lugar.
Bagama’t insignificant na aniya ang bilang ng mga ito para muling makabuo ng puwersa, sinabi ni Padilla na mainam pa rin ang nag-iingat dahil kahit wala na silang hawak na bihag ay hindi naman sila magpapahuli ng buhay.