Nilinaw ng MERALCO na fully restored na ang lahat ng main circuits na naapektuhan ng bagyong Paeng.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni MERALCO Public Relations Head Ms. Claire Feliciano na dahil ito sa walang tigil na power restoration activities simula pa noong weekend.
Mababatid aniya na umabot sa mahigit apat na milyong customer nila ang nakaranas ng kawalan ng suplay ng kuryente.
Sinabi pa ni Feliciano na dahil fully restored na ang lahat ng nasabing circuits ay tinitingnan na lamang nila ang mga secondary lines kung mayroon pang problema upang agad na matugunan.
Samantala, sinabi ni Feliciano na mas malaki ang pinsala na idinulot ng bagyong Paeng kumpara sa nagdaan na bagyong Karding.