Nakitaan ng tila ipo-ipo na mga usok at pagbuga ng mga tubig ang pinakabunganga o main crater ng Bulkang Taal.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umaabot sa 1.5 kilometers ang taas ng usok bago lumayo patungo sa direksyong timog-kanluran.
Resulta umano ang aktibidad na ito ng malamig na hangin o di kaya’y tubig-ulan na humalo sa mainit na likido sa ibabaw ng main crater ng bulkan.
Samantala, wala namang namonitor ang Taal Volcano Network na anumang sa pagyanig sa bulkan sa nakalipas na 24-oras, bagaman mayroon umanong mababang antas ng pagyanig na namataan dito simula pa noong April 8, 2021.
Sa ngayon, sinabi ng PHIVOLCS, na nananatili parin sa alert level 2 ang taal volcano, ngunit kailangan paring maging alerto at mapagbantay dahil sa hindi parin humuhupa ang mga aktibidad ng bulkan.