Tuloy ang mga biyahe sa gitna na rin ng konstruksyon ng rapid exit taxiway sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA na itinakda sa Pebrero 2018.
Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na limang oras lamang isasara ang main runway habang inaayos ang taxiway o mula 12:30 ng hatinggabi hanggang 5:00 ng madaling araw.
Ayon kay Monreal, 93 malalaking aircraft ang maaapektuhan ng closure ng main runway subalit nakipag – usap na sila sa airlines para maayos ang kanilang schedule.
Matatapos sa Agosto 2018 ang konstruksyon ng rapid exit taxiway gayundin ang bagong communications navigation surveillance/air traffic management na magdadagdag ng dalawa pang eroplano kada oras at magbe – benepisyo sa 300 hanggang 500 pasahero kada oras.