Mas kinilig pa ang ‘AlDub’ nation matapos na mamataan ang phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza na nagbakasyon sa Boracay Island nitong weekend.
Sa ginawang Snapchat updates ni Maine, ipinakita nito ang ilang mga larawan ng kanilang escapade sa Bora.
Kitang-kita na nag-enjoy ang dalawa sa ilang mga water sports katulad na lang ng parasailing at speedboat ride.
Sa isang larawan, nakita rin na ipinag-drive pa ni Alden si Maine ng jetski.
Samantala, naiulat din na si Alden umano ang sumagot sa lahat ng gastos sa kanilang weekend escapade.
Nag-post naman si Alden sa kanyang Instagram ng isang litrato kasama si Maine habang sila ay nasa Boracay, na may caption na ‘Worth It’.