Hindi lamang idolo sa mundo ng showbiz ang tinaguriang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza, isa na rin itong magandang ihimplo bilang isang mamamayang Pilipino.
Personal na dinaluhan ni Maine ang isang awarding kung saan hinirang siya bilang Top Regional Individual Taxpayer ng BIR o Bureau of Internal Revenue sa Caloocan City.
Kasabay na rin ito sa selebrasyon ng BIR sa ika-113 anibersaryo ng ahensya noong Biyernes, Agosto 4.
Umani rin ng paghanga ang Dubsmash Queen mula sa fans nito at ng AlDub.
Si Maine ay kilala rin bilang si Yaya Dub sa Kalyeserye ng longest running noontime variety show na Eat Bulaga kung saan nakapareha nito si Alden Richards at pinangalanan ang kanilang love team na AlDub.